Magkasintahan, pisak sa trak
Pisak ang magkasintahan na lulan ng motorsiklo makaraang salpukin sila ng rumaragasang trak sa may Aurora Blvd sa Quezon City kahapon.
Uha ni Boy Santos

Magkasintahan, pisak sa trak

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang magkasintahan nang magulungan ng truck habang magkaangkas sa isang motorsiklo sa Aurora Boulevard, Brgy. Doña Imelda, Quezon City kahapon.

Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Dominic Hernandez, 23, residente ng Mandaluyong City at kasintahang si Sancia Geron, 24, ng Punta, Sta. Ana.

Ayon kay Analisa Lucas, ng Brgy. Doña ­Imelda Health Emergency Response Team, galing Sta. Ana ang mga biktima at papunta sana sa area ng Cubao, nang araruhin ng isang container van na minamaneho ni Jericho Villarin ang motorsiklong kanilang sinasakyan, dakong alas-12:30 ng tanghali sa Aurora Boulevard.

Anang mga saksi, mabilis ang takbo ng naturang truck kaya nasagasaan ang mga biktima.

Samantala, nasugatan din sa paa ang amain ng babaeng biktima na kasabay din ng mga itong naka-motorisklo matapos mahagip ang paa.

Hindi naman kaagad nakuha ang pangalan ng tiyuhin.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek at nasa kustodiya na ng QCPD Traffic 4 para sa pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injury sa piskalya.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with