Tricycle driver tinodas ng 4
Ayon sa ulat, alas-5:00 ng hapon ng maganap ang insidente habang lulan ang biktima sa kanyang ipinapasadang tricycle sa Phase 5Y, Package 5, Brgy. 176 Bagong Silang, nang hintuan ng apat na salarin.
STAR/File

Tricycle driver tinodas ng 4

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng apat na hindi kilalang salarin habang namamasada sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Raymund Magculang, 36, ng Lot 8, Block 76, Paulino Compound, Brgy. 174, Camarin.

Ayon sa ulat, alas-5:00 ng hapon ng maganap ang insidente habang lulan ang biktima sa kanyang ipinapasadang tricycle sa Phase 5Y, Package 5, Brgy. 176 Bagong Silang, nang hintuan ng apat na salarin.

Ayon sa saksing sadyang hindi na pinangalanan, nakita niya ang angkas ng isa sa mga motorsiklo na nakasuot ng itim na jacket at face mask na bumunot ng ‘di batid kalibre ng baril at paulit-ulit na pinaputukan ang biktima na agad namatay.

Nananatiling blangko pa ang pulisya kung sino ang mga salarin at ano ang motibo sa krimen. 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with