UP-PGH health workers, tuloy ang protesta hangga’t wala ang benepisyo

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatuloy umano ang kilos-protesta at pagkalampag sa gobyerno ng mga healthcare workers ng UP-Philippine General Hospital hanggang hindi naibibigay ng Department of Health (DOH) ang ipinangako nilang mga benepisyo sa mga nagsisilbi ngayong pandemya.

Sinabi ni All UP Wor­kers Union-Manila president Karen Faurillo na bagaman sunud-sunod na ang panawagan, hindi pa rin naibibigay sa kanila ng pamahalaan ang ipinangakong ‘hazard pay at special risk allowance’ sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na sakop ang mga petsang mula Marso 17 hanggang Mayo 31.

Matatandaan na muli silang nagsagawa  ng protesta noong nakaraang linggo at nakaabot naman sa DOH.  Sa opisyal na pahayag ng DOH, sinabi nila na siniseryoso umano nila ang naturang mga isyu at kailangan muna nilang magsagawa ng imbestigasyon upang maberepika ito at maaksyunan.

Hiniling din ng DOH sa mga health workers na pormal na magsu­mite ng ‘written complaint’ sa kanila at sabihin ang sangkot na health facility kasama ang mga ebidensya ng kanilang hinaing.

“Magandang deve­lopment po na talagang pinakinggan ‘yung aming hinaing na ibigay na ito at bigyan ng atensyon. Hangga’t ‘di po ito nabibigay ay patuloy na kikilos, magbabantay ang healthcare workers ng PGH at titiyakin na itong allowances na ito ay ‘di na po maaantala,” ayon kay Faurillo.

Hiniling din ni Faurillo sa DOH na magpaliwang kung bakit nadi-delay ang mga benepisyo dahil sa marami sa kanila ang nagbitiw, nagretiro at masama ay namatay na habang pandemic na hindi nakukuha ang ipinangako sa kanila.

PGH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with