Balikbayan na Pinoy seamen bibigyan ng libreng COVID-19 testing
Ayon sa DOTr, bukod dito, iwi-waive rin nila ang ilang port fees para sa shipping companies at operators, bilang bahagi ng pagsusumikap ng maritime industry na makaba­ngon mula sa matinding epekto ng pandemya.
STAR/ Edd Gumban, file

Balikbayan na Pinoy seamen bibigyan ng libreng COVID-19 testing

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula bukas, Dis­yembre 1 ay pagkakalooban na ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Philippine Ports Authority (PPA), ng lib­reng COVID-19 testing ang mga umuuwing Filipino seafarers sa bansa.

Ayon sa DOTr, bukod dito, iwi-waive rin nila ang ilang port fees para sa shipping companies  at operators, bilang bahagi ng pagsusumikap ng maritime industry na makaba­ngon mula sa matinding epekto ng pandemya.

Anang ahensiya, ang inisyatiba ay bahagi ng mga probisyon sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One Act” (Bayanihan 2).

Naglaan ang DOTr ng P270 milyong pondo para mabigyan ng ­libreng COVID-19 tes­ting ang mga returning Filipino seafarers.

Paglilinaw naman ng DOTr, tanging ang mga seafarers lamang na uuwi sa mga daungan at paliparan ng bansa ang entitled sa free testing, na isasagawa ng service provider na kukuhanin ng PPA.

“Only inbound or returning Filipino seafarers who have disembarked through Philippine ports and airports are entitled to avail of the free COVID-19 testing, as covered by the Bayanihan 2 fund. This will be conducted by a service provider to be sourced by the PPA,” pahayag ng DOTr.

Plano rin naman ng DOTr na gumastos ng P250 milyon upang i-subsidize ang bayad na kokolektahin mula sa domestic shipping ­owners, partikular na ang doc­kage (domestic) at lay-up fee (domestic).

Nabatid na ang financial assistance ay first come, first served basis at per vessel, per transaction bases.

COVID-19 TESTING OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with