P26 milyong marijuana kuha sa 3 drug suspects
Nakilala ang mga naaresto na sina Dianne Irene Rodriguez Cambalicer, 37; Louie Mark Cuballes Cuerdo, 29; at Angelo Buenaventura Pascual, 22.
Pixabay

P26 milyong marijuana kuha sa 3 drug suspects

Doris Franche, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P26 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska mula sa tatlong drug suspects na kanilang naaresto sa isang buy-bust ­operation sa Balintawak, Quezon City nitong Linggo.

Nakilala ang mga naaresto na sina Dianne Irene Rodriguez Cambalicer, 37; Louie Mark Cuballes Cuerdo, 29; at Angelo Buenaventura Pascual, 22.

Nadakip dakong alas-7:40 ng umaga ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group ang mga suspek sa EDSA, Brgy. Apolonio Samson sa Balintawak.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t tinarget ang mga suspek sa isang buy-bust operation.

Kaagad na inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek, na nakum­piskahan ng 217 bloke ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, na tinatayang nagkakahalaga ng P26,040,000.

Ang mga suspek ay binitbit na sa tanggapan ng PNP-DEG sa Camp Crame para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with