P20 bilyong budget ng Maynila sa 2021, aprubado

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aprubado na ang 2021 city budget ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na nagkakahalaga ng P20 bilyon makaraang pirmahan na ito ni Mayor Isko Moreno.

Nakapaloob na kundisyon sa naturang pondo na dapat walang departamento na bubuwagin, lumikha ng bagong mga plantilla o regular na posisyon at hindi dapat ideklara na savings ang hindi nagamit na pondo kung walang pagsang-ayon ng konseho at kung gagamitin man ay dapat may hiwalay na ordinansa para rito.

Ang pagbabayad naman sa paghahakot ng basura ay ibabase sa kada biyahe ng trak na dapat ay may sertipikasyon buhat sa barangay chairman na nagpapatunay na totoong naghakot ng basura ang mga hauling company.

Lahat ng proyektong pang-imprastruktura na pinondohan ng lokal na pamahalaan ay dapat na istriktong ipatupad ang batas para sa ‘persons with disability (PWD) sa ilalim ng Republic Act 7277 o ang Magna Carta for PWDs.

Nanawagan naman si Moreno sa mga negos­yante at residente ng Maynila na tulungan ang lokal na pamahalaan para malikom ang naturang pondo sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.

Mas malaki ng P3 bilyon ang itinakdang P20 bilyong pondo para sa 2021 kumpara sa P17 bilyong ngayong 2020.

BUDGET ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with