Mag-asawang Tiamzon, nasa bansa pa - Año

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa bansa pa umano ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na pawang matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na una nang na-convict sa kasong kidnapping at serious illegal detention at nananatili pa ring nakakalaya.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, wala pa silang natatanggap na impormasyon na nakalabas na ng bansa ang mag-asawang Tiamzon.

Umapela rin ang kalihim sa mag-asawa na sumuko na lamang sa mga awtoridad.

Inatasan na rin niya ang Philippine National Police (PNP) na mag­lunsad ng manhunt laban sa mga Tiamzon, upang mapagsilbihan ang kanilang sentensiya.

Nauna rito, hinatulan ng Quezon City Regio­nal Trial Court (RTC) ang mag-asawa na guilty sa kidnapping at serious illegal detention at pinatawan ng parusang “reclusion perpetua” o pagkabilanggo ng mula 20 hanggang 40 taon.

“May instruction na ko sa PNP, arrest these people let them serve their sentence to jail ac­tually stern warning na to fugitive of the law na ‘yan dapat mag surrender na sila. They will be detained in Camp Crame meron kasi custodial center dun ilalagay ‘yung high profile or high risk personalities,” aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Año na ikinatutuwa niya ang conviction ng mag-asawa dahil malaki aniya ang hirap niya sa paghuli sa mga ito.

“Malaki kasi yung hirap ko diyan sa paghuli niyan. I was the chief of ISAFP (Intelligence Service of the AFP) when they were arrested in March 2014. I spent (almost) half of my career looking for this couple,” aniya pa.

Nagsimula aniya ang pagsusumikap niya na matunton ang mga Tiamzon noong siya ay military captain pa lamang.

Matapos naman ang pagtatago ng mara­ming taon, naaresto rin ang mag-asawa sa Brgy. Zaragoza, Cebu City noong Marso 2014.

“I personally led the arrest and it was (a) joint operation of ISAFP and Army Intelligence. This is a great victory because this couple owes so much blood to the Filipino people. They kidnapped and killed so many people and burned so many equipment,” dagdag ni Año.

CPP NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with