^
Hazard pay, special risk allowance hinirit sa Black Friday protest
Kasama sa kanilang panawagan ang pagpapalabas na ng Department of Health (DOH) ng kanilang hazard pay at special risk allowance. Dagdag din ang hinaing ng delayed na suweldo sa mga pampubliko at pribadong pagamutan, hindi pagpapatupad ng Salary Grade 15 at demosyon umano sa mga nurses sa pamahalaan.
STAR/Michael Varcas, file

Hazard pay, special risk allowance hinirit sa Black Friday protest

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsagawa kahapon ng tinatawag na “Black Friday protest” ang isang grupo ng mga healthcare workers sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila upang ipanawagan sa gobyerno ang paglalabas ng kanilang mga nararapat na benepisyo na ayon sa kanilang serbisyo ngayong pandemya.

Kabilang sa mga nagsagawa ng protesta ay ang mga miyembro ng All UP Workers Union-Manila at Filipino Nurses United na pawang mga nakasuot ng itim na damit at may mga bitbit na banners para sa kanilang hinaing sa pamahalaan.

Kasama sa kanilang panawagan ang pagpapalabas na ng Department of Health (DOH) ng kanilang hazard pay at special risk allowance.  Dagdag din ang hinaing ng delayed na suweldo sa mga pampubliko at pribadong pagamutan, hindi pagpapatupad ng Salary Grade 15 at demosyon umano sa mga nurses sa pamahalaan.

May mga sticker din na nakadikit sa kanilang suot na face shield na may katagang “demo-ted, malungkot, umasa, pagod, galit at iba pa” na kanila umanong kasalukuyang nararamdaman dahil sa tila pagbalewala sa kanila ng pamahalaan.

HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with