Lasing na PSG member arestado nang makabundol
Nahaharap ngayon sa kasong physical injury with damage to property ang suspek na si Alvin Concepcion, 42-anyos, stay-in umano sa PSG quarters sa loob ng Malacañang compound.
STAR/File

Lasing na PSG member arestado nang makabundol

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lasing na lalaki at nagpakilalang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) makaraang makabundol ng isang motorcycle rider kamakalawa ng gabi sa Paco, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong physical injury with damage to property ang suspek na si Alvin Concepcion, 42-anyos, stay-in umano sa PSG quarters sa loob ng Malacañang compound.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong alas-8:30 sakay ng kaniyang Mio type scooter ang biktimang si Windel Vizco, ng Lopez Jaena Street, Paco at nakahinto sa kalsada dahil sa pulang traffic light nang bigla siyang bundulin buhat sa likuran ng isang Enduro type na motorsiklo na minamaneho ni Concepcion.

Dahil sa lakas ng bundol, bumagsak sa kalsa-da si Vizco na nagresulta ng sugat sa kaniyang katawan.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with