^

Metro

Higit 800 tsuper nagparehistro sa ‘service contracting’ ng DOTr

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 832 na Traditional Public Uti-lity Jeepney drivers ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle upang makapagrehistro sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, kaya nilang mag-accommodate ng hanggang 3,000 na drayber kada araw upang makapag-parehistro ang mga nabanggit sa naturang programa.

Ang Service Contracting Program ay inilunsad ng DOTr at LTFRB upang matulu-ngan ang mga driver na magkaroon ng karagdagang kita ngayong nakakaranas ang bansa ng pandemya.

Sa ngayon, tanging mga driver ng mga Public Utility Vehicles (PUV)na pumapasada sa mga binuksang bagong ruta ang pinapayagang magrehistro.

Para sa mga nais na maging kasapi ng service contracting, pinapayuhan ng LTFRB na dalhin lamang ang mga dokumento tulad ng Original at Photocopy ng Professional Driver’s License, Certification na pirmado ng operator na nagpapatunay bilang awtorisadong drayber ng idineklarang unit, dalawang (2) kopya ng photocopy ng valid ID ng Operator na may tatlong pirma nito at Photocopy ng OR/CR ng minama­nehong Jeep.

Para sa mga nais mapabilang sa database ng mga kuwalipikadong drayber at nais dumalo sa General Registration, kailangan munang mag-preregister gamit ang Google Form sa link na  https://tinyurl.com/ServiceContracting o kaya sa official Facebook Page ng LTFRB kaugnay ng Service Contracting Program ng ahensiya.

vuukle comment

DOTR

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with