MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season
Ayon kay National Task Force Against CO­VID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.
Manila PIO/Released

MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

Giit ng Metro Manila mayors

MANILA, Philippines — Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against CO­VID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.

“At the same time, nag-usap-usap po kami ng mga mayor, talagang very cautious po sila na magkaroon po ng MGCQ dito sa Manila. So ang recommendation po nila ay just in case magkaroon man ng easing of restriction ay maybe next year after the holidays,” ani Galvez.

Sinabi pa ni Galvez na maging si Mayor Sara Duterte ay nais manatili sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City ngayong Dis­yembre.

“Ang nakita po natin, even iyong Davao City, nagpaalala po si Mayor Sara na Davao City magi­ging GCQ this holiday season,” ani Galvez.

Nanawagan din si Galvez kay Interior Sec. Eduardo Año na ipaalala sa mga opisyal ng mga local government units (LGUs) na nasa ilalim ng MGCQ na dapat higpitan ng kaunti ang galaw ng mga tao kung kinakailangan.

“So, iyon po ang pinapaalala po namin na even though iyong iba naka-MGCQ, we are calling the attention of the LGUs through our Secretary Año na sana medyo higpitan natin kaunti iyong ating mga restrictions sa mga unnecessary, non-essential movements,” ani Galvez.

Mahalaga aniyang sundin pa rin ang tinatawag na minimum health standards ngayong holiday season.

“But it doesn’t mean na we will also support iyong tinatawag na consumers’ confidence by ha­ving iyong minimum health standards na talagang sinusunod po natin,” ani Galvez.

COVID-19 METRO MANILA MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with