^

Metro

Frontman ng banda na ‘Slapshock’, natagpuang patay sa kanyang bahay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang 42- anyos na Slapshock frontman Vladimir “Jamir” Garcia habang nasa loob ng comfort room ng kanilang bahay sa Quezon City kahapon ng umaga

Ayon kay QC Police District Talipapa Police chief Lt. Col. Christine Tabdi, dinala pa sa Metro North hospital si Garcia pero ideneklarang dead- on-arrival ng doktor na tumingin dito sa naturang pagamutan.

Sinabi ni Tabdi inaa­lam na ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Garcia na magsasagawa ng masinsinang imbestigasyon sa kaso.

Noong 1997 nakilala ang Slapshock  sa hanay ng mga banda sa Pilipinas dahil sa kakaibang tugtugin at sila ang nagpasikat ng kantang “Agent Orange,” “Ngayon Na,” “Langit,” “Anino Mo,” “Salamin,” , “Luha” at iba pa. Marami namang grupo ng musicians ang nanghina­yang sa pagkawala ni Garcia.

vuukle comment

SLAPSHOCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with