PDEA: Suplay ng ilegal na droga, lumilipat na sa marijuana at ecstasy
Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si PDEA Director General Wilkins Villanueva na ang pagpapalit ng demand ng drug users at traders ay bunsod na rin nang pinaigting na kampanya ng mga awtoridad sa pagsawata ng mga ilegal na droga.
STAR/ File

PDEA: Suplay ng ilegal na droga, lumilipat na sa marijuana at ecstasy

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na unti-unti nang lumilipat ang suplay ng ilegal na droga mula sa shabu o metamphetamine hydrochloride at bumabalik na ngayon sa marijuana at ecstasy.

Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si PDEA Director General Wilkins Villanueva na ang pagpapalit ng demand ng drug users at traders ay bunsod na rin nang pinaigting na kampanya ng mga awtoridad sa pagsawata ng mga ilegal na droga.

Ayon kay Villanueva, ang mga dating nagsa-shabu ay bumabalik na sa marijuana kaya’t higit pa aniya nilang hinigpitan ang pagtutok sa pagpuksa sa naturang mga ipinagbabawal na gamot.

Sa isang survey na inilabas kamakailan ng Dangerous Drugs Board (DDB), nabatid na ang marijuana ay ikalawa sa shabu, pagdating sa public awareness hinggil sa mga ipinagbabawal na gamot.

“‘Yung mga dating nagsha-shabu, bumabalik na sa marijuana. Having said that, doon na tayo sa Cordillera, nag-e-eradicate tayo ng marijuana,” pahayag pa ni Villanueva, sa panayam sa telebisyon.

Batay sa datos ng PDEA, hanggang nitong Nobyembre ay may 14,000 barangay pa ang hindi pa naki-clear sa illegal drugs.

Tiniyak naman ni Villanueva na bubunuin talaga nila ito lalo na at nauubusan na aniya sila ng panahon.

Samantala, sa survey naman ng DDB, lumilitaw na bumaba na rin ang bilang ng mga Pinoy na drug dependents, na nasa halos isang milyon na lamang.

Sinabi ni Villanueva na malaking pagbabago ito mula sa dating pagtaya ni Pang. Rodrigo Duterte na noong 2017 ay mayroong apat na milyong drug users sa Pilipinas.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with