200 preso sa Navotas isinailalim sa libreng x-ray at COVID-19 test
MANILA, Philippines — Nasa 200 bilanggo sa Navotas City police ang sumailalim sa x-ray at COVID test bago ilipat sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas City Jail.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, bagama’t x-ray lamang ang hiniling ng BJMP, mas minabuti nilang isailalim na rin sa COVID test ang mga preso upang malaman kung ang mga ito ay infected ng virus.
Aniya, hindi biro ang makakasama ng mga preso sa loob ng kulungan kung kaya’t dapat na malaman kung sino ang positibo at negatibo sa COVID test.
Nabatid na kailangan ding ma-x-ray ang mga detainees bago dalhin sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine at kung pagkatapos ay dadalhin sila sa Navotas City Jail.
Samantala, umaabot na sa 39,980 ang sumailalim sa swab test habang nasa 5,252 ang total cases sa lungsod, 5,038 recoveries, 57 active, at 157 ang
- Latest