Manhunt sa killers ng 2 lawyer, tinututukan ng NBI
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nakatutok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa manhunt sa mga killer ng dalawang abogado na magkasunod na pinaslang sa lalawigan ng Palawan at Cebu City.
Sinabi ni Guevarra na mas maraming operatiba na ang ikinalat para sa imbestigasyon at paghahanap sa mga salarin na pumaslang kina Atty. Eric Jay Magcamit at Joey Luis Wee. Pinaslang si Magcamit sa Palawan habang patungo sa isang hearing noong Nobyembre 17 habang binaril sa labas lamang ng gusali ng kaniyang tanggapan sa Cebu City si Wee nitong Nobyembre 23.
“The government is very much concerned about the increasing number of crimes committed against lawyers, prosecutors, and judges, and while these are generally considered to be part of the hazards of the profession, the government is committed to bring the perpetrators of these crimes before the bar of justice,” mensahe ni Guevarra.
Sa datos, higit sa 50 abogado, huwes at prosecutors na ang napaslang mula noong 2016.
Kabilang sa aalamin ng NBI kung may kaugnayan sa mga kasong hawak ng mga abogado ang motibo ng pamamaslang o posibleng personal.
- Latest