Pasig River Ferry, balik-operasyon na

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik na sa operasyon ang Pasig River Ferry Service kahapon matapos ang ginawang repair sa mga pontoon na nasira sa paghagupit ng bagyong Ulysses.

Maaari nang magtungo ang mananakay sa mga operational stations  sa Pinagbuhatan sa Pasig City; Guadalupe Station sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; Lambingan sa Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Escolta at Lawton sa Maynila.

Tatakbo ang ferry mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi , mula Lunes hanggang Sabado.

Muling ipinaalala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero na patuloy ang pinaiiral na health and safety protocols ng PRFS para sa kaligtasan laban sa pagkalat ng  coronavirus disease 2019.

Maaalalang sinuspinde ang operasyon ng PRFS noong nakalipas na dalawang linggo dahil sa nasirang docking platforms o pontoons.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with