Tone-toneladang basura nahakot sa Marikina at San Mateo
Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na patuloy lang ang clearing operations hanggang sa malinis at ligtas na ang mga lugar na apektado ng bagyo.
Walter Bollozos

Tone-toneladang basura nahakot sa Marikina at San Mateo

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 3,104 metro kubiko ng basura o  katumbas na 841.34 tonelada ng basura ang nakolekta sa mga  lugar sa Marikina City at San Mateo,  Rizal na sinalanta ng bagyong Ulysses hanggang noong Linggo.

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na patuloy lang ang clearing operations hanggang sa malinis at ligtas na ang mga lugar na apektado ng bagyo.

Hindi bababa sa 150 tauhan, dump truck at pay loader ang ipinadala ng MMDA sa mga nasabing lugar upang tulungan ang mga lokal na pamahalaan doon.

“Our personnel shall continue rendering assistance to affected residents until local government units’ rehabilitation works are completed. We are always ready to help in restoring normalcy in the affected communities,”ani Lim.

Kabilang sa areas of operation ang Barangays Malanday, Sto. Niño at Tañong, partikular sa Provident Village, sa Marikina  habang sa San Mateo, Rizal naman ay ang mga Barangay Guitnang Bayan, Banaba, at Sta. Ana.

Ayon kay Francis Martinez, MMDA Metroparkways Clearing Group head,  aabutin pa ng ilang lingo bago tuluyang malinis mula sa putik at basura ang mga nasabing lugar.

Ang lalo pang pagdami ng basura ay dulot na rin ng mga nasirang appliances, furniture, equipment, damit  at iba pang nalubog ng husto sa putik at baha.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with