^

Metro

Bus Augmentation Program, aarangkada sa Quezon City sa December

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumagda sa isang memorandum of agreement si  Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagitan ng  Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa pagpapatupad ng QC  Bus Augmentation Program na inaasahang magsisimula sa unang linggo ng Disyembre ng taong ito.

Ang programa ang tutulong na madagdagan ang mga sasakyan sa QC na magseserbisyo  sa publiko at tutulong na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko

“Dahil limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan sa lungsod, nagpasya tayong gawin ang hakbang na ito upang maibsan ang problema sa transportasyon sa ating lungsod. Sa pamamagitan nito, mabibigyan natin ng mas mabilis at ligtas na paraan na pagbiyahe ang publiko patungo sa kanilang mga hanapbuhay at iba pang lugar na kailangan nilang puntahan,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Sinabi pa ni Belmonte na ang bus program ay bukas sa publiko sa initial run nito pero sa pagpapatuloy ng operasyon ay eksklusibo para lamang   sa mga taga-QC na magpapakita ng ID na siya ay residente ng lungsod.

Sa ilalim ng  bus program, ang LTFRB ay magpapalabas ng  Certificate sa QC na pinapayagang mag-operate ng 8 ruta para sa pagpapatupad ng City Bus Augmentation Program.

Ang mga ruta dito ay ang Quezon City Hall puntang  Cubao P. Tuazon corner Gen. P. Romulo Ave. (at vice versa), QC Hall puntang Litex (at vice versa), Welcome Rotonda puntang  Aurora Blvd. cor. Katipunan Ave. (and vice versa), QC Hall puntang Gen. Luis via SB Road (at vice versa), QC Hall puntang  Mindanao Ave. cor. Quirino Highway (at vice versa), QC Hall puntang LRT 2 Gilmore (at vice versa), QC Hall puntang  E. Rodriguez Jr. Ave cor. Ortigas Ave. (at vice versa) at QC Hall puntang  LRT 1 Roosevelt at pabalik ng  QC Hall.

Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, ang programa ay susunod sa  bus trip schedule at ang mga bus ay titigil lamang sa designated pick-up at drop-off points ng kanilang ruta.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with