UP Law Professor nawawala, pamilya humingi ng tulong

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang abogado, na propesor sa University of the Philippines (UP) College of Law, ang iniulat na nawawala sa Quezon City simula pa noong Sabado, Nobyembre 21.

Kaugnay nito, umaapela ng tulong sa publiko at mga awtoridad ang pamilya ni Ryan Oliva, upang matunton ang kanyang kinaroroonan.

Ayon kay Randy, kapatid ni Ryan, huli nilang nakita ang biktima noong Sabado pa ng gabi, habang papaalis ng kanilang tahanan sa Quezon City ngunit hindi na ito nakauwi pa.

“My brother, Atty. Ryan P. Oliva went missing since Saturday evening, November 21, 2020,” panawagan pa ni Randy sa kanilang Facebook post.

“Any information about his whereabouts will be highly appreciated,” aniya pa. Ang sinuman aniyang may nalalamang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Oliva ay maaaring kumontak kay Randy sa numerong 0906-300-1009.

Samantala, maging ang mga kasamahan naman nito sa kanyang fraternity na UP Alpha Phi Beta (APB) ay tumutulong na rin sa paghahanap sa UP professor.

Inatasan na ni APB Lord Chancellor Joboy Blando ang lahat ng kanilang mga miyembro na hanapin si Oliva.

“Call him and his companions, talk to his acquaintances, and just do whatever you can to locate him,” ayon kay Blando, sa isang pahayag.Batay sa official website ng UP College of Law, si Ryan ay nagtuturo ng legal history at law on agency and partnership. Bukod sa pagiging law professor, nagtatrabaho rin si Ryan sa ­Le­gislative Liaison Unit, ng Department of Tourism (DOT).

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with