Skyway extension project, ipinatigil ng DOLE

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniutos kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatigil sa paggawa sa Skyway extension project para bigyang daan ang imbestigasyon matapos ang naganap na aksidente na pagbagsak ng steel girder dito noong Sabado.

Ayon kay DOLE spokesman Rolly Francia na ang kautusan ng DOLE  ay sa kahabaan ng naturang proyekto, mula sa Susana Heights sa Muntinlupa hanggang sa Sucat, Parañaque.

“Ang pagpapahinto po ng construction  ay ipinag-utos upang mabigyang daan ang imbestigasyon upang malaman kung may mga violation na nagawa o na-commit sa construction site at upang alamin din kung ano ang hawak na lisensya ng mga contractors at subcontractors at kung may paglabag sa labor and safety stan­dards,” pahayag pa ni Francia.

Tatagal ang suspension hanggang sa alisin ito ng regional office at hanggang sa makumpleto ang imbestigasyon.

Magugunitang sa naturang trahedya isa  ang nasawi, habang apat pa ang nasugatan. Nasa pitong  sasakyan ang nadaganan nang bumagsak na steel bar sa East Service Road sa Cupang, Muntinlupa.

Inisyal sanang makukumpleto ang proyekto ngayong Disyembre ngunit dahil sa pangyayari ay na- urong ito sa Pebrero ng susunod na taon.Ang proyekto ay direktang magkokonek sa Skyway 1, 2 at 3.

Nauna nang humingi ng paumanhin si San Miguel Corp. President at CEO Ramon Ang na nangakong tutulungan ang mga naging biktima.

 

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with