Tanim-puno bago prangkisa sa PUVs simula na sa Disyembre 1
Sa Memorandum Circular 2020-076 na inisyu ng LTFRB nitong Biyernes, nabatid na gagawin nang mandatory ang tree plan­ting sa pag-aaplay ng transport franchise matapos na maraming bahagi ng bansa ang makaranas ng malawakang mga pagbaha dahil sa pananalasa ng mga bagyong Rolly at ­Ulysses.
STAR/File

Tanim-puno bago prangkisa sa PUVs simula na sa Disyembre 1

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula sa Disyembre 1, gagawin nang requirement ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtatanim ng puno para sa aplikasyon ng transport franchise ng mga public utility vehicles (PUVs).

Sa Memorandum Circular 2020-076 na inisyu ng LTFRB nitong Biyernes, nabatid na gagawin nang mandatory ang tree plan­ting sa pag-aaplay ng transport franchise matapos na maraming bahagi ng bansa ang makaranas ng malawakang mga pagbaha dahil sa pananalasa ng mga bagyong Rolly at ­Ulysses.

Nabatid na sakop ng memorandum ang lahat ng aplikante para sa bagong CPC na mayroong hanggang 10 unit, gayundin ang lahat ng korporasyon at mga kooperatiba na nag-aaplay para sa kanilang CPC, kahit pa ilan ang bilang ng units ng mga ito.

Matapos naman ang inisyal na implementasyon nito, lahat ng aplikante na mayroong 10 units ay ire-require na ring magtanim ng puno bago mabigyan ng prangkisa.

Sa ilalim ng bagong polisiya, ang mga aplikante ay kinakailangang magtanim ng isang puno sa bawat unit na kanilang iniaaplay.

LTFRB PUVS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with