P20 milyong Lotto jackpot, naiuwi ng taga-Eastern Samar
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ang naturang lone bettor ay tumaya ng lotto sa Guiuan, Eastern Samar. Aniya, tagumpay nitong nahulaan ang winning combination na 13-42-03-31-02-22 sa Regular Lotto 6/42 draw na binola nitong Sabado ng gabi, at may katumbas na jackpot prize na P20,398,839.60.
Geremy Pintolo, file

P20 milyong Lotto jackpot, naiuwi ng taga-Eastern Samar

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masayang ibinalita ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kahapon na isa na namang mananaya ang naging instant milyonaryo at nakapag-uwi ng mahigit sa P20 milyong jackpot prize sa Regular Lotto 6/42 draw na isinagawa nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Garma, ang naturang lone bettor ay tumaya ng lotto sa Guiuan, Eastern Samar. Aniya, tagumpay nitong nahulaan ang winning combination na 13-42-03-31-02-22 sa Regular Lotto 6/42 draw na binola nitong Sabado ng gabi, at may katumbas na jackpot prize na P20,398,839.60.

Samantala, mayroon din namang 25 bettors na nakahula ng limang tamang numero kaya’t nakapag-uwi ng second prize na tig-P25,000 bawat isa.

Ayon kay Garma, upang makuha ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang winning ticket at dalawang balidong ID cards.

LOTTO PCSO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with