Mga opisyal ng DOTr pinagsusumite ng SALN
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nagtalaga na sila ng isang grupo at point person na mangangalap at magrerebyu ng mga SALN ng lahat ng DOTr officials (past at present), kabilang na rin ang sarili niyang SALN.
Geremy Pintolo, file

Mga opisyal ng DOTr pinagsusumite ng SALN

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagsusumite ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ng kani-kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) ang lahat ng mga opisyales ng departamento, sa mega task force, na pinamumunuan ng Department of Justice (DOJ).

Ito’y bilang pagpapakita ng buong suporta ng DOTr sa kampanya ng pamahalaan laban sa graft and corruption sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tugade na sakop ng kautusan na magsumite ng SALN ang mga opisyal, na kinabibilangan ng chief-of-staff, secretaries, ­executive assistants, at yaong mga sangkot sa project management at procurement.

Ayon kay Tugade, nagtalaga na sila ng isang grupo at point person na mangangalap at magrerebyu ng mga SALN ng lahat ng DOTr officials (past at present), kabilang na rin ang sarili niyang SALN.

Ipinag-utos pa ng DOTr chief ang paghahambing ng SALN submission ng mga DOTr officials sa loob ng tatlong periods o para sa tatlong taon, upang makita ang pagkakaiba ng mga ito.

Samantala, ikinatuwa ni Tugade ang ulat na hindi kabilang ang DOTr sa limang ahensya ng pamahalaan na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na “most proble­matic agencies” sa bansa.

DOTR SALN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with