Evacuees na tinamaan ng COVID-19 sa Marikina, 5 na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na lima nang evacuees sa lungsod ang kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Teodoro, ang mga naturang pas­yente ay kasalukuyan nang nasa isolation at pinagkakalooban ng kaukulang atensiyon at lunas upang kaagad na makarekober mula sa virus.

Iniulat ng alkalde na may 12,000 evacuees o bakwit ang isinailalim nila sa rapid antibody testing nitong nakaraang linggo. Lumabas na 153 dito ang reactive o nakitaan ng impeksiyon kaya’t kaagad isinailalim sa RT-PCR tests upang makumpirma kung positibo ang mga ito sa COVID-19.

Nang lumabas ang pagsusuri, lima sa kanila ang nagpositibo sa virus.

Anang alkalde, natunton na rin nila at nasuri ang mga close contacts ng mga pasyente at pawang nagnegatibo naman ang mga ito sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with