Skyway steel bar, bumagsak sa 7 sasakyan
Ang bumagsak na steel girder sa ginagawang Skyway sa east service road ng SLEX sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City kung saan nasa pitong sasakyan ang nadaganan.Isa ang nasawi sa insidente habang apat pa ang nasugatan.
Kuha ni KJ Rosales
Skyway steel bar, bumagsak sa 7 sasakyan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

1 patay, 4 sugatan

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi, apat ang nasugatan nang bumagsak ang isang steel girder sa East Service Road, northbound lane  mula sa itinatayong Skyway extension project  sa bahagi ng Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Kinilala ang nasawi na si Paquibot Edison Visaga, nagmamaneho ng nabagsakang  Yamaha Mio Soul (Motorcycle) na idineklarang dead-on-arrival sa Alabang Medical Clinic, Alabang Muntinlupa City.

Nilalapatan ng lunas na sa Asian Hospital ang mga sugatang sina Angelito Malao, 30; John Paul Gonzales, 27, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa dalawa pang sugatan.

Nawasak din ang isang Toyota Vios taxi, isang Hyundai H100, isang Mitsubishi Adventure, at apat na motorsiklo, isa rito ang sinasakyan ng nasawing biktima.

Naganap ang insidente dakong alas-8:50 nga ­umaga  sa tapat ng Uratex sa East Service Road, sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Dahil sa insidente isinara sa motorista ang  north at southbound lanes na nagbunga ng buhol-buhol at mabigat na daloy ng trapiko na pinadaan sa alternatibong ruta.

Sa statement ng EEI Corp., ang construction company, nakaposisyon ang crane para sa susunod na ikikiling na steel girder nang bumagsak at tinamaan ang mga dumaraang sasakyan.

Tiniyak naman ng EEI na ginagawa na nila nang pa­raan na makontak ang mga kaanak ng  mga biktima at handa silang ipagkaloob ang kaukulang tulong kaugnay sa pangyayari.

“Our hearts and prayers go with the affected families. This is an unfortunate and heart-breaking accident that must not happen again. We will review immediately our safety and operating protocols as we build a strategic infrastructure for the public’s convenience,” saad pa sa statement ng EEI.

Dahil sa insidente, sa halip na matapos sa Dis­yembre 2020 ang deadline target ng proyekto, sa Pebrero 2021 pa ito posibleng makumpleto.

 

SLEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with