3 mag-uutol huli sa P174 milyong shabu
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 25.7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P174 milyon ang nakum­piska ng mga anti-drug ­operatives ng pulisya kasunod sa pagkakaaresto sa tatlong magkakapatid na drug pushers kabilang ang 14-anyos na menor-de-edad na nasagip sa isinagawang operasyon sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Iprinisinta nina Caloocan City Police Chief P/ Col. Samuel Mina Jr. at Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong suspect na sina Kalif Latif, 24 , nasa BADAC (Brgy. Anti-Drug Abuse Council) watchlist ng pulisya; Akisah, 18 at 14-anyos na binatilyong nakababatang kapatid ng mga ito na na-rescue naman sa  operasyon. Ang mga suspect ay pawang mga estudyante.

Nakumpiska mula sa mga ito ang 25.7 kilo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P174 milyon.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ng buy- bust operation ang Caloocan City Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/ Captain Deo Cabildo sa pakikipagkoordinasyon sa  PDEA- NCR Regional Office laban sa magkakapatid na suspect sa Block 30, Lot 17, Phase 12, Brgy. 188, Tala ng lungsod ng Caloocan.

Sa report, sinabi  ni Mina si Latif na nasa BADAC watchlist ay kilalang drug personality sa Caloocan City kung saan ang dalawa nitong nakababatang kapatid ang ginagamit nitong courier ng droga.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with