3 patay sa magkakasunod na sunog
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang magtiyuhin at isang 5-anyos na paslit ang nasawi, habang dalawa pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na sunog sa Las Piñas at Muntinlupa City.

Alas- 6:34 ng gabi ng Biyernes ng maganap ang unang sunog  sa Block 11, Lot 14, Camella Homes 1, Brgy. Putatan, Muntinlupa City na ikinasawi ng magtiyuhin na sina Zozimo Asido, 73 at Maricel Asido, 56.

Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog sa mezzanine ng garahe ng dalawang bungalow type na bahay ng isang Catrina Asido.

Naapula ang sunog dakong alas-7:17 ng gabi  kung saan natuklasang na-trap umano ang dalawa sa kanilang silid dahil paralisado si Zozimo na posibleng hindi na nakayanang iligtas ng pamangkin na nasawi rin dahil sa suffocation.

Hinihinalang ang kandila sa altar na naiwang nakasindi ang sanhi ng sunog. Alas-9 naman ng umaga kahapon nang sumiklab din ang sunog sa  M. Santos Avenue sa Zapote, Las Piñas kung saan natusta ang isang 5-taong gulang na kinilalang si Rian Cloud Bueno. Nabatid na nakaligtas ang nanay ng bata na si Mary Joy Abibas nang tumalon mula sa kanilang bintana.

Sinabihan umano ni Abibas ang dalawang anak na lumabas ng bahay subalit ang 7-taong gulang lang ang nakaligtas.

Nadamay din ang nasa 25 kabahayan sa Guadalupe St. sa Fatima Subdivision dahil sa pawang yari sa light materials ang mga ito. Nasa 25 pamilya ang nadamay sa sunog na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Fatima Subdivision sa Zapote.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Las Piñas Bureau of Fire Protection ang insidente na idineklarang fire-out alas 9:52 ng umaga.

Ikatlong insidente naman ang sunog na naganap dakong alas 10:30 ng umaga ng Sabado rin sa Block 7, Lot 2, Prime Rose Street, Talon Village, Talon Kuatro, Las Piñas City.

Ayon kay FO1 Frederick Suriaga ng Las Piñas-Bureau of Fire Protection, sugatan sa insidente  si Lona Alesna, 49 at isang Romulo Fuentes, 50.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with