Lola lasog sa bundol ng 2 sasakyan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 73-anyos na street sweeper nang mabangga ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Lydia Infante, residente ng H. Lopez Blvd., Balut, Tondo.

Pinipigil naman sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang dalawang driver ng sasakyang nakabundol sa biktima na kinilalang sina Dennis dela Cruz  at Anecito Pequit.

Sa ulat ni Pat. Rustom Arcyll De Guzman ng Manila Police District-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), dakong alas-6:25 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Honorio Lopez St., malapit sa kanto ng Rodriguez St., sa Balut, Tondo.

Tumatawid umano ang biktima nang mabangga ng Montero na minamaheo ni dela Cruz at tumilapon sa kabilang lane na saktong paparating ang taxi na minamaneho ni Pequit at nasalpok din siya dahilan upang mawalan ng malay.

Naisugod pa ng dalawang driver sa nasabing pagamutan ang biktima subalit binawian ng buhay alas- 9:25 ng umaga.

 

TONDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with