Maynila nakaiwas sa delubyo ng baha dahil sa declogging at cleaning ops
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas maigting na paglilinis at pagtatanggal ng mga bara sa daluyan ng tubig ang iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno upang hindi malubog sa baha ang lungsod lalo na sa panahong maraming ulan at bagyo ang dumarating.

Sa direktiba ni Moreno kay City Engineer Armand Andres, sinabi nito na ang declogging operations, bagama’t araw-araw nang isinasagawa sa lungsod, ay dapat pa ring paigtingin matapos na mapatunayang epektibo laban sa mga pagbaha.

Tinukoy pa ng alkalde ang nangyari noong panahon ng bagyong Ulysses kung saan hindi nalubog sa baha ang maraming lugar sa Maynila, na labis na ikinasiya ni Moreno.

“Araw-araw ang paglilinis natin ng imburnal, avenida, boulevard, callejon, kalsada, iskinita para ‘pag nagkaroon ng baha, bababa kaagad ang tubig,” aniya pa.

“Salamat sa Diyos, nakaraos ang Maynila sa ‘Ulysses’ pero hindi ito garantiya… maaring sa susunod na bagyo ay lulubog din ang Maynila,” dagdag pa ni Yorme.

Muli rin siyang umapela sa mga residente na tulungan ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan nang hindi pagtatapon ng mga basura kung saan-saan, partikular na sa mga katubigan at mga kanal.

 

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with