

Ayuda sa jeepney drivers at operators, ipinapamahagi na-LTFRB
MANILA, Philippines — Tumanggap na ng ayuda mula sa pamahalaan ang mga jeepney drivers at operators na hindi nakapasada sa panahon ng pandemya.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sinimulan na kahapon ang pamamahagi ng direct cash subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program ng ahensiya.
Ang Direct Cash Subsidy ay programa ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act II upang magbigay-tulong sa mga operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga public utility vehicles.
Ang direct cash subsidy ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng paglalagay ng pondo sa Landbank of the Philippines Pantawid Pasada Program Cash Cards habang sa mga walang PPP cash cards, ilalagay ito sa existing LBP account.
Ilalagay din ang ayuda sa mga existing bank account sa pamamagitan ng PESONet at INSTAPay at Over-The-Counter withdrawal sa mga LBP servicing branches.
Ang bawat qualified benefiaries ay tatanggap ng P 6,500.
- Latest