Higit 1K pang traditional jeepneys papasada uli- LTFRB
MANILA, Philippines — Nasa 1,043 pang units ng mga traditional jeepneys ang makakapasada na ulit sa Metro Manila.
Ito ay makaraang magpalabas ng memorandum circular 2020-073 ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagbubukas sa walo pang ruta ng naturang mga traditional jeepneys sa Metro Manila para muling makapamasada simula ngayon.
Nilinaw ng LTFRB na ang mga pinayagang traditional jeepneys na makapasadang muli ay pawang mga roadworthy na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang naka-rehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa naturang memorandum order.
- Latest