^

Big time oil price hike, ipinatupad

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2020 - 12:00am


MANILA, Philippines — Magpapatupad ng big time oil price ­increase ang mga kompanya ng langis simula ngayong araw na ito.

Nag-anunsyo na kahapon ang mga  kompanyang Shell, Petron, Total, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Unioil sa ipatutupad na price hike , kabilang dito ang dagdag na P1.05 sa kada litro gasolina, P1.55   sa diesel .

Sa kerosene naman ay P1.30 ang dagdag presyo sa kada litro ng kompanyang Shell, Petron at Seaoil.  

 Gayunman, nabatid na ang presyo ng kerosene at household liquefied petroleum gas ay hindi maaring itaas ang presyo sa mga lugar na naideklara ang state of cala­mity bunsod ng mga nagdaang bagyong Rolly, Quinta at Ulysses.

Ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ay bunga ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

OIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with