MMDA balik na sa road clearing ops
Simula sa Lunes (Nobyembre 16) muling magsasagawa ng road clearing operations ang MMDA sa koordinasyon sa 17 mga local government unit (LGUs) sa National Capital Region.
STAR/ File

MMDA balik na sa road clearing ops

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik na ang pagsasagawa ng road clearing operations ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraan ang halos walong buwan na tigil operasyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Simula sa Lunes (Nobyembre 16) muling magsasagawa ng road clearing operations ang MMDA sa koordinasyon sa 17 mga local government unit (LGUs) sa National Capital Region.

Sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na ang mga mi­yembro ng Task Force Special Operations (TFSO) ay tutulong sa mga LGU sa kanilang operasyon laban obstructions, sa layuning maibsan ang trapiko at makapag-ayos sa mga lansangan ng Metro Manila.

Ang mga miyembro ng TFSO ay magsasagawa ng pinaigting na clearing operation sa Mabuhay Lanes o mga kinilalang daan na nagsisilbing alternatibong mga ruta ng mga motorista na nais umiwas sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Ang mga tauhan ng ahensiya na magsasagawa ng clearing operations ay dapat na nakasuot ng face masks, face shields, dapat ay may physical distancing at iba pang safety protocols upang maiwasan ang posibleng  hawaan ng COVID-19.

Ang muling pagbuhay sa road clearing operations sa LGUs ay batay sa Department of Interior and Local Government Memorandum Circular 2020-145, na nagbigay ng 60-araw sa LGUs , mula Nobyembre 16 hanggang Enero 15, 2021 na tumugon sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga kalsada ng ilegal na istruktura at sagabal.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with