Marikina, isinailalim sa state of calamity
Ayon kay Marcy Teodoro ito ay upang bigyang pagkakataon ang mga residente na makabangon mula sa epektong dinulot ng bagsik ng bagyo sa kanilang pa-milya at kabuhayan.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

Marikina, isinailalim sa state of calamity

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2020 - 12:00am

Dahil sa matinding pinsala ni ‘Ulysses’

MANILA, Philippines — Isinailalim ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa state of calamity  ang lungsod na matinding naapektuhan ng  bagyong  Ulysses.

Ayon kay Teodoro, ito ay upang bigyang pagkakataon ang mga residente na makabangon mula sa epektong dinulot ng bagsik ng bagyo sa kanilang pa-milya at kabuhayan.

Anya, sa pamamagitan  ng pagsasailalim sa ka­nilang lunsod sa state of calamity ay magagamit ang kanilang calamity funds para maa-yudahan ang mga apektadong residente sa lugar.

Hindi lamang anya sa baha, epekto ng COVID-19 pandemic ang naapektuhan ang mga taga-Marikina kundi maging ang mga mag-aaral dahil suspendido pa rin dito ang distance learning classes hangang sa darating na Martes.

Sinabi ni Teodoro na upang matiyak  na maayos ang kalusugan ng mga taga-Marikina ay may mga doktor na ang nasa mga barangay para suriin ang health conditions ng mga mamamayan doon.

MARIKINA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with