816 pang traditional jeep balik-pasada sa Metro Mania
Sa kalalabas lamang na memorandum circular 2020-071, simula ngayong Miyerkules ay papasada na rin ang 816 na unit ng jeep mula sa QC, Pasig City, Mandaluyong, Makati, Pasay, Muntinlupa, Pateros, Manila, Parañaque maging sa The Fort sa Taguig City.
AFP/Ted Aljibe

816 pang traditional jeep balik-pasada sa Metro Mania

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 16 pang dagdag na ruta ang binuksan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) para makabalik pasada ang may 816 pang traditional jeep sa Metro Manila.

Sa kalalabas lamang na memorandum circular 2020-071, simula ngayong Miyerkules ay papasada na rin ang 816 na unit ng jeep mula sa QC, Pasig City, Mandaluyong, Makati, Pasay, Muntinlupa, Pateros, Manila, Parañaque maging sa The Fort sa Taguig City.

Pero bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng seven commandments gaya ng pagsusuot ng face masks at iba pa, ipinaalala ng LTFRB sa mga jeepney driver na hindi dapat magtaas ng pamasahe dahil walang direktibang inilalabas para dito ang ahensya.

Sa ngayon ay mayroon ng public transport sa halos lahat ng lugar sa Metro Manila na pansamantalang natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

JEEPNEY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with