^
Preso patay sa âCOVID-19â
Nabatid na dalawang linggo nang nakapiit sa Sta­tion 3 Detention Cell ang suspek nang mahuli noong Oktubre 24 dahil sa kasong illegal possession of firearms, carnapping at disobedience sa pulisya.
Efigenio Toledo IV/File

Preso patay sa ‘COVID-19’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalagutan ng buhay sa pinagdalhang pagamutan ang isang bilanggo ng Sta. Cruz Police Station makaraang mahirapan sa kaniyang paghinga sa loob ng siksikang selda, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na muna pinanga-lanan ang nasawing inmate na may edad 45-anyos.

Sinabi ni Manila Police District OIC spokesman, P/Capt. Henry Navarro na ina­alam na ngayon kung may taglay siyang COVID-19.

Nabatid na dalawang  linggo nang nakapiit sa Sta­tion 3 Detention Cell ang suspek nang mahuli noong Oktubre 24 dahil sa kasong illegal possession of firearms, carnapping  at disobedience sa pulisya.

Bago isugod sa pagamutan, nagreklamo na siya ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga hanggang sa tuluyang mawalan ng malay.

Sinabi ni Navarro na isi­nailalim na sa awtopsiya ang bangkay at hinihintay na lamang ang resulta kung kumpirmado na isa siyang COVID positive o ibang uri ng sakit ang dumapo sa kanya. 

MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with