Miyembro ng ‘Jamir Gonzales‘ criminal group timbog

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng ‘Jamir Gonzales ‘ criminal group at No. 9 sa listahan ng NCRPO Priority Data Base Drug Personalities ang nadakip sa isinagawang  buy-bust operation ng mga awtoridad sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni EPD Director Police Brig.Gen. Johnson Almasan ang suspek na si Edward Molina Bogaoan, alyas Nognog, 45, may asawa na nakatira sa Sen Neptali Gonzales St., Brgy. Bagong Silang, Mandaluyong City.

Ang suspek ay naaresto sa kanyang tahanan ng mga tauhan ng EPD-Drug Enforcement Unit at Intelligence Division dakong alas-6:30 ng gabi.

Ayon sa report, nakatanggap ng confidential information ang mga awtoridad hinggil sa pagtutulak ng droga ng suspek sa kanilang lugar, kaya agad na nagkasa ng buy-bust operation.

Isang tauhan ng EPD-DEU ang nagkunwaring bibili ng droga sa suspek at aktong inaabot nito ang 50 gramo ng shabu nang ito ay posasan.

Nabawi pa mula sa suspek ang 200 gramo ng droga at P40,000 pera.

Sa interogasyon ay lumutang na ang suspek ay miyembro ng orga­nisadong criminal group at may mga kaso na rng kinakaharap sa iba’t ibang korte.

Nakakulong ngayon ang suspek sa EPD detention facility ay nahaharap sa panibagong kaso na drug pushing.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with