Walang naitalang matinding pagbaha sa Metro Manila
Itiniklop at iniligpit na ng mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office ang inilatag na mga modular tents sa evacuation center sa Diosdado Macapagal Elementary School sa Quezon City matapos na ligtas na magbalikan na sa kanilang mga tahanan ang mga inilikas dahil sa bagyong Rolly.
Kuha ni Boy Santos

Walang naitalang matinding pagbaha sa Metro Manila

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang mga matinding pagbahang naitala sa Metro Manila sa pagdaan ng Bagyong Rolly, ayon sa Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA) .

Ayon sa MMDA, ito ay dahil sa flood control mea­sures na isinagawa.

Sinabi ni  MMDA Chairman Danilo Lim na lahat ng pum­ping stations ay gumana ­o-operational kaya walang naging pagbaha sa metropolis.

“In anticipation of the onslaught of typhoon “Rolly” in Metro Manila, we made sure that all our pumping stations are working properly so that flood water recedes quickly,” aniya.

Kabilang sa ininspeksiyon bago pa ang pananalasa ng bagyo ang mga pumping station sa Hagonoy, Taguig, Labasan, at Napindan.

Tambak na basura at water hyacinth ang nahakot sa daanan ng tubig na bumabara sa mga pumping stations.

Sofa, gulong at sirang appliances, bumara sa pumping stations

Hindi lamang maliit na basura ang nakolekta ng flood control personnel, na katunayan ay mayroon ding sofa, mga gulong, mga sirang app­liances at iba pa na humarang sa makina na nagpahirap sa pagtakbo ng pumping stations.

Ang MMDA ang nagmamantine sa 64 pumping stations na kinabibilangan ng 29 large pumping stations, 19 small pumping stations at 16 relief pumping stations sa strategic locations sa Metro Manila.

Nagbigay na rin ng direktiba si Lim sa Metropolitan Public Safety Office (MPSO) na resolbahin ang matinding paglago ng water hyacinths na bumabalot sa malaking bahagi ng Pasig River gamit ang trash skimmer, backhoe at trash boats.

Kabilang din sa flood control measure ang regular na pag­lilinis sa drainages at daluyan ng tubig sa gitna ng pandemya bago pa man dumating ang tag-ulan.

Masusi ring nagmonitor ang MMDA-Incident Management Team sa galaw ng bagyo at sa  mga flood-prone at low-lying areas sa Metro Manila. 

 

 

 

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with