^

Metro

P1.6 bilyong shabu nasamsam, 2 Chinese timbog

Joy Cantos, Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
P1.6 bilyong shabu nasamsam, 2 Chinese timbog
Ang dalawang Chinese drug traffickers na nahuli sa P1.632-B shabu.
Christian Ryan Sta. Ana

MANILA, Philippines — Umaabot sa  240 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.632 bilyon ang nasamsam sa dalawang Chinese drug traffickers ang nasakote sa isinagawang controlled delivery operations sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Jayson Tan at James Ong.

Ang mga suspect ay naaresto  ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III, Cabanatuan Police ng Police Regional Office (PRO) 3, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, Bureau of Customs  at PDEA- National Capital Region sa isinagawang operasyon sa Diversion Road , Brgy. Sumacab Sur, Cabanatuan City.

Ayon sa report  ang  kargamento ay  idineklarang ‘Work Bench Tables’  na ipinadala ng isang  Ywlee 87 Trading ng Subang Jaya, Selangor, Malaysia at naka-consigned ito sa isang kompanya na Allejam International Trading sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing kargamento ay dumating sa bansa at inilagak sa PAL-PSI Warehouse noong Oktubre 24, 2020. Samantalang matapos ang masusing surveillance operation ay natukoy ang ‘misdeclared cargo’ at nang  idaan  sa xray scanning at sa 100 % physical examination ay nakita dito na balot na balot ang mga epektos  na nasa 240 plastic packs ng kulay puting crystalline substance na kalaunan ay nadiskubreng shabu.

Dahil dito, ayon sa opisyal ay agad nagsagawa ang ­operating teams ng entrapment operation sa pamamagitan ng controlled delivery operations sa Brgy. Sumacab Sur sa lungsod ng Cabanatuan at dito’y nasakote sina Tan at Ong habang nasamsam rin ang ebidensyang 240 kilo ng shabu.

Isinailalim na sa kustodya ng PDEA Region 3 ang mga nasakoteng suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002  gayundin sa Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Noong nakaraang Dis­yembre 2019, ang BOC- NAIA sa pakikipag koordinasyon din  sa PDEA at NAIA-IATG ay nakaharang din ng may 20.8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P141.44 milyon na itinago sa loob ng 2 speaker, isa sa pinakamalaking huli ng ilegal na droga sa NAIA.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with