^

Metro

64 pumping stations sa Metro Manila, inihanda na sa pagbayo ni ‘Rolly’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
64 pumping stations sa Metro Manila, inihanda na sa pagbayo ni �Rolly�
Tiniyak ng MMDA na mamomonitor ang sitwas­yon ng mga naka-duty na 24/7 flood control unit employees.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inihanda na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 64 pumping stations sa National Capital Region (NCR) bago pa man ang pagtama ng bagyong Rolly.

Babantayan din ng MMDA  ang mga lugar o bahagi ng Metro Manila na madalas bahain.

Tiniyak ng MMDA na mamomonitor ang sitwas­yon ng mga naka-duty na 24/7 flood control unit employees.

Bukod sa pumping stations, kinalas na rin ang mga billboards  na maa­ring magdulot ng aksidente sa oras na manalasa ang malakas na hangin at ulan na dala ni Rolly.

Ang Manila Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office (MDRRMO) ay naghanda na rin ng rescue boats sakaling lumaki ang baha.

Itinaas na rin nitong Biyernes (Okt. 30) ang heightened alert sa Maynila para sa pagresponde sa posibleng mga pagbaha, magbabagsakang istruktura at iba pang sitwasyon tulad ng sakunang maaring idulot ng bagyo

Sa Pasay City, sinabi ni  DRRMO Chief Dr. Boyet Maranan na handa na rin sila sa pagtama ng bagyo.

Kabilang sa critical ­areas ng Pasay ang Maricaban, Malibay, Pildera, Kalaayan at  Villamor na may sari-sarili nang mini-evacuation center sakaling may dapat ilikas at may nakahanda ring relief goods.

Inatasan din ni Pasay Mayor Emi Rubiano-Calixto ang City Health Office na magbukas ng health center bilang paghahanda rin sa bagyo.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with