^

Metro

Publiko, hinikayat ni Mayor Vico na samantalahin ang libreng COVID-19 testing

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang publiko, partikular na ang mga Pasigueño, na huwag nang magdalawang isip at i-avail ang mga iniaalok na libreng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanila.

Ayon kay Sotto, isang magandang pagkakataon ito upang matiyak na ligtas sila mula sa virus.

“Kapag inalok tayo ng Lungsod ng LIBRENG TES­TING, tanggapin na natin agad. Huwag lamang ang sarili nating kapakanan ang isipin kundi ang kapakanan din ng iba,” dagdag ni Sotto.

Ani Sotto, sa Pasig ay target ng kanilang isasagawang pagsusuri ang tig-1,000 market vendors, public transport dri­vers, at mga food handlers.

Random umanong pipiliin ang mga ito sa kanilang database.

“Naiintidihan ko po ‘yung concern nung iba na mawalan sila ng kita habang may covid sila... Pero sana isipin po natin na kung positive tayo at wala lang sintomas, maaaring may nahahawaan tayo...tatagal ang pandemya... may posibilidad na ok ka lang, pero mamamatay ang mahahawaan mo,” paliwanag pa ni Sotto.

Sinabi pa ng alkalde na kung tatangging magpasuri ang mga mamamayan ay higit pang tatagal ang pandemya dahil mas maraming tao ang mahahawa ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with