_ngayon
^

Metro

Pasig, Mandaluyong at Marikina, umalerto kay ‘Rolly’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalerto na ng mga city governments ng Pasig, Mandaluyong at Marikina ang kanilang mga residente at pinayuhang maging maingat at maghanda sa posibleng epekto ng bagyong Rolly.

Hinikayat ni Pasig Mayor Vico Sotto ang mga Pasigueño na magprepara sa pananalasa ng bagyo.

Aniya pa, dapat na kaagad na tumawag ang mga ito sa kanilang emergency hotlines sakaling mangailangan sila ng tulong.

Pinangunahan din niya ang pag-iinspeksiyon sa dalawa sa pumping stations ng lungsod upang matiyak na walang problemang magaganap, sakali mang magkaroon ng mga pagbaha.

Sa Mandaluyong naman, pinayuhan ng  city disaster risk reduction and management office ang mga residente na palagiang imonitor ang mga balita at mga ulat hinggil sa galaw ng bagyo.

Hinikayat din nito ang mga mamamayan na mag-imbak ng pagkain at mag-charge ng baterya sakaling mawalan ng suplay ng kuryente.

Sa Marikina City naman, nakaalerto na rin ang city government at preparado na sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Pinayuhan din ni Mayor Marcy Teodoro na maging handa at kaagad na lumikas  sakaling kailanganin.

ROLLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with