^

Metro

4 Chinese, 2 Pinoy huli sa kidnapping

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 Chinese, 2 Pinoy huli sa kidnapping
Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, nahaharap sa reklamong paglabag sa kidnapping with ransom at serious illegal detention ang mga nada­kip na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong, Shi Qi, at Zhao Jian Wei na pawang Chinese nationals at mga Pinoy na sina Christopher Belarmino at Darnel Volante batay sa reklamong inihain ng isang naging biktima ng grupo.
STAR/ File

MANILA, Philippines— Timbog ang apat na Chinese nationals at dalawang Pinoy nang ituro ng isang kidnap victim ang pinagdalhan sa kaniya, na nagresulta sa hindi inaasahang pagka-rescue sa isa pang kidnap victim na  hawak nila  sa Las Piñas City, sa ulat kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, nahaharap sa reklamong paglabag sa kidnapping with ransom at serious illegal detention ang mga nada­kip na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong, Shi Qi, at Zhao Jian Wei na pawang Chinese nationals at mga Pinoy na sina Christopher Belarmino at Darnel Volante  batay sa reklamong inihain ng isang naging biktima ng grupo.

Oktubre 26, 2020 nang samahan ng mga ahente ng NBI-Counter Terrorism Division ang complai­nant na Chinese national upang tuntunin at tukuyin ang lugar na pinagdalhan sa kanya at kilalanin ang mga suspek, Itinuro ng biktima ang lugar na nasa  Aurora Pijuan St., Brgy. Talon Dos, Las Piñas City kung saan naaresto doon ang mga suspect.

Kasabay nito, nasagip din ang isa pang biktima ng grupo na nandoon din sa lugar.

Nasamsam sa mga nadakip ang isang Taurus 40 kalibreng baril na may 11 bala; isang Glock 22 na  may 10 bala; pares ng posas at iba’t ibang identification cards.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with