^

Metro

Maluhong pulis, sasailalim sa lifestyle check

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Maluhong pulis, sasailalim sa lifestyle check
Ayon kay Philippine National Police chief, Gen. Camilo Cascolan, sinisimulan na ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang pagtukoy sa mga pulis na may kuwestiyonableng pamumuhay na posibleng sangkot sa katiwalian.
STAR/ File

MANILA, Philippines— Nagbabala si Philippine National Police chief, Gen. Camilo Cascolan sa mga maluluhong pulis na isasailalim sila sa lifestyle check bilang suporta sa anti-corruption campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cascolan, sinisimulan na ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang pagtukoy sa mga pulis na may kuwestiyonableng pamumuhay na posibleng sangkot sa katiwalian.

“We will be coming up with lifestyle checks of our personnel para po malaman natin kung sino po, kung ano po ‘yung dapat na maging aksiyon lalo’t lalo na ‘yung mga matutukoy namin na mga corrupt that’s why we need to get rid of corruption most especially in the PNP, “ ani Cascolan.

Paliwanag ni Cascolan, kailangan na ma-justify ang sahod sa pamumuhay ng pulis.

Partikular na pinatututukan ni Cascolan ang mga police unit na nagha-handle ng mga dokumento na kailangan ng publiko tulad ng mga permit.

Bukod sa IMEG, katuwang din ang PNP Internal Affairs Service sa pag-iimbestiga sa mga korap na pulis.

Sinabi ni Cascolan na bahagi rin ito ng kanilang tuluy- tuloy na Internal cleansing campaign para malinis ang PNP sa mga bugok na itlog.

Tiniyak naman ni Cascolan na ang mga pulis na mapatutunayang sangkot sa korapsyon ay makatitikim ng matinding parusa, kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with