^

Metro

254 City hall employees sa Quezon City, ginawang regular ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— Nasa 254 empleyado  sa Quezon City hall na karamihan ay may mahigit nang 20-taon na nagtatrabaho bilang contractual ang gi­nawa nang regular ni Mayor Joy Belmonte.

Isa sa na-regular si  Brgy. Pasong Tamo Teacher Precy Linag, 55, na may 22 taon ng empleyado bilang contractual employee sa City’s Social Services and Development Department.

Ang pagre-regular sa naturang mga empleyado ay dumaan sa masusing pagbusisi ng Human Resource Merit Promotion and Selection Board (HRMPSB) sa isinagawang hearing ng tanggapan.

Una nang nag-utos si  Mayor Joy Belmonte na agad isagawa ang regula-rization processes sa mga empleyadong ilang dekada ng nagtatrabaho at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagiging regular.

Ang hakbang ay isa sa pangako ni Mayor Belmonte na mabigyan ng  job security ang mga tauhan  sa local government.

Si Linag ay sumasahod kada buwan ng P5,000  hanggang  P10,000  sa loob ng mahigit  20 taon at ngayon lamang sa panahon ni Mayor Belmonte ay matitikman na ang benepisyo ng isang regular employee. Umaabot na ngayon sa  P13,000 kada buwan ang sahod ni Linag.

Niliwanag naman ni Ronald Tan, officer-in-charge ng QC Human Resource Management Department (HRMD) na delay ang  regularization ng ilang empleyado dahil sa mga nagdaang administrasyon ay saka lamang naisasagawa ang screening at regularization kapag tapos na ang kanilang termino.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with