Higit 20K parak  bantay-sementeryo sa loob ng 7 araw
Ayon ito kay P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield kasabay nang pagsasabing, simula kahapon ay bantay-sarado na sa entrance pa lamang ng mga sementeryo, memorial parks at columbarium sa mga pulis upang matiyak na walang lulusot na dadalaw.
Michael Varcas, file
Higit 20K parak bantay-sementeryo sa loob ng 7 araw
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit sa 20,000 pulis ang itatalaga sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium sa loob ng pitong araw para matiyak na walang papasok  alinsunod na rin sa ipinatutupad na kautusan.

Ayon ito kay  P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield kasabay nang pagsasabing, simula kahapon ay bantay-sarado na sa entrance pa lamang ng mga sementeryo, memorial parks at columbarium sa mga pulis upang matiyak na walang  lulusot na dadalaw.

Nagsimula kahapon   ang pagbabawal  na tatagal hanggang sa Nobyembre 4.

“We also have a total of 26,478 force multipliers who will assist our personnel. These force multipliers are mostly barangay tanods and the personnel of the city and municipal Public Order and Safety,” ani Elea­zar.

Giit ni Eleazar, may mga indibiduwal na magpipilit na makapunta sa puntod ng kanilang mahal sa buhay sa November 1 at November 2 na kaila-ngan na mapigilan.

Paliwanag ni Eleazar, nagkaroon naman ng  petsa ng pagdalaw sa mga puntod kaya kailangan na lamang ng kooperasyon ng publiko sa ipinatutupad na  kautusan.

Gayunman, maaari na muling magtungo sa puntod simula Nobyembre 5 hanggang 15 dahil minomonitor pa rin ang sitwasyon na dala ng COVID-19.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with