526 pang jeepney, pinayagan nang bumiyahe
Ito ay makaraang payagan na ng LTFRB na pumasada na rin ang naturang mga passenger vehicles bilang bahagi ng patuloy na ipinatutupad na PUV moder­nization program ngayong new normal.
KJ Rosales, File
526 pang jeepney, pinayagan nang bumiyahe
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

5 bagong ruta sa Metro Manila, binuksan

MANILA, Philippines  — Mula ngayong araw (October 30), aarang­kada na rin ang 507 unit ng  regular traditional jeepney at 19  na modern jeep­neys sa limang bagong ruta na binuksan ng ahensiya sa Quezon City, Marikina, Maynila at Pasay City.

Ito ay makaraang payagan na ng LTFRB na pumasada na rin ang naturang mga passenger vehicles bilang bahagi ng patuloy na ipinatutupad na PUV moder­nization program ngayong new normal.

Sa ipinalabas na memorandum circular ng LTFRB, maaari nang pumasada ang mga roadworthy na jeepneys na mayroong prangkisa sa mga  ruta sa Parang-Recto o mula Marikina hanggang Recto sa Maynila, Parang- Stop and Shop via Aurora Blvd, Recto- SSS village via Aurora Blvd at España Blvd at Libertad- Pinagbarilan sa Pasay City.

Sa may SM Fairview naman hanggang Buendia Avenue papasada ang mga mo-dern Jeepneys na bukod sa air-conditioned at Euro - compliant ang makina ay mayroon ding nakakabit na CCTV, Dashcams,  WIFI, Speed limiters at Automatic fare Collection System.

Nilinaw din ng LTFRB na walang pagtataas ng singil sa pasahe  sa mga  modern jeepneys at wala ring taas pasahe sa mga ruta ng traditional jeepneys.

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with