Maynila nagbigay ng âdrive-thru installationâ ng RFID stickers
Nilinaw ni Manila City Mayor Isko Moreno na para lamang ito sa mga Class 1 na sasakyan o mga sedan, SUVs at mga van.
Michael Varcas
Maynila nagbigay ng ‘drive-thru installation’ ng RFID stickers
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Magbibigay ngayon ng ‘drive-thru service’ ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa libreng pagkakabit ng RFID stickers sa layong mabawasan ang dami ng sasakyan na nagpapakabit nito sa mga tollways na nagreresulta ng matinding pagbubuhol ng trapiko.

Ipatutupad ito sa likuran ng Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Nilinaw ni Manila City Mayor Isko Moreno na para lamang ito sa mga Class 1 na sasakyan o mga sedan, SUVs at mga van.

“Ibig sabihin, mababawasan na natin ‘yung matagal ninyong pila sa mga toll gate na nabanggit at magaganap dito sa Kartilya, diyan po gagawin...” ayon kay Moreno.

Naisagawa ito sa pa­mamagitan ng koordinas­yong pamahalaang lungsod sa NLEX, SCTEX, CAVITEX, CALAX at sa Department of Transportation (DOTr).

Wala naman umanong kailangang dokumento na dapat dalhin maliban sa P200 para sa inisyal na load at pagsusuot ng face shield at masks.

RFID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with