98% ârecovery rateâ naitala sa Taguig City
Sinabi ni Mayor Lino Cayetano na eksaktong nasa 97.51% sa mga pasyente ang nakarekober na habang nasa maliit na 1.75% o 151 kaso na lamang ang mga aktibong kaso na kanilang binabantayan ngayon.
The STAR/Michael Varcas
98% ‘recovery rate’ naitala sa Taguig City
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nakapagtala ang Taguig City ng 98 porsyentong ‘recovery rate’ ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 na inaasahan na senyales ng tuluyang tagumpay laban sa virus.

Sinabi ni Mayor Lino Ca-yetano na eksaktong nasa 97.51% sa mga pasyente ang nakarekober na habang nasa maliit na 1.75% o 151 kaso na lamang ang mga aktibong kaso na kanilang binabantayan ngayon.

May kabuuang 8,608 kaso ng COVID-19 sa buong lungsod kung saan 3,394 sa kanila ay pawang mga gumaling na, ayon sa alkalde.

Bagama’t nasa tamang direksyon umano ang kanilang pagresponde, nagpaalala si Cayetano sa mga residente na huwag magpakakumpiyansa dahil sa traydor ang naturang virus na maaaring dumapo kaninuman lalo na at hindi nag-iingat.

“Traydor ang sakit na COVID-19, isang araw puwedeng gumising tayo na mayroon nang nahawaan na doble o triple sa nume-rong ito kaya dapat lalo pa tayo magbantay,” paalala ni Cayetano.

May 63 pasyente naman sa lungsod ang nasawi sa virus na katumbas ng 0.73% na iginiit ni Cayetano na hamak na mas mababa sa fatality rate sa Metro Manila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with