PNP bukas sa imbestigasyon ng Mega Task Force
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Bukas si PNP chief  Ge­neral Camilo Cascolan sa imbestigasyon ng Mega Task Force na pinamumunuan ni Justice Secre­tary Menardo Guevarra laban sa mga opisyal at tauhan ng  pamahalaan na sangkot sa corruption.

Ayon  kay Cascolan, malaking tulong sa kanila ang  gagawing aksyon ng Mega Task Force dahil magreresulta rin ito sa tuluyang paglilinis sa hanay ng mga pulis. Handa silang ibigay ang anumang  kakailanganin ng  task force.

Paliwanag ni Cascolan, hindi biro ang problemang nais na bigyang solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat lamang aniyang suportahan ng lahat ng sangay ng pamahalaan  upang matapos na ang katiwalian sa bansa.

Sinabi ni  Cascolan na ito rin ang kanyang paalala sa mga kadete ng Philippine National Police Aca-demy na iwasang masilaw sa pera.

Aniya, mas dapat na ituon ng  mga kadete ang kanilang sarili sa paglilingkod at pagbibigay protek-siyon sa publiko.

Kamakalawa ay binanggit ni  Guevarra na  maging ang PNP at Armed Forces of the Philippines ay hindi ligtas sa kanilang gaga-wing imbestigasyon sakaling may reklamo silang matanggap na  sangkot sa katiwalian ang  opisyal nito.

Uunahin naman ng Mega Task Force  na im-bestigahan ang PhilHealth, Department of Public Works and Highways, Bureau of  Customs, Bureau of  Inter­nal Revenue at Land Regulatory Authority batay na rin sa  alegasyon ng  korapsiyon.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with